Una sa Balita

Influential personalities, protektor ng Aegis Juris frat members

By
0 7

Ibinulgar ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na ilang maimpluwensyang personalidad ang nakikialam upang hadlangan ang pagsasampa ng kaso sa mga miyembro ng Aegis Juris fraternity na umano’y mga utak sa pagkamatay ng hazing victim na law student ng University of Santo Tomas (UST) na si Horacio Tomas Castillo III
Ayon kay VACC chairman Dante Jimenez, may natanggap siyang impormasyon na ginagamit ng mga maimpluwensyang personalidad ang kanilang koneksyon sa gobyerno upang mapatagal o tuluyang mapigilan na makasuhan ang mga fratmen na suspek sa pagkamatay ni Castillo.

“May mga delaying tactics sila para hindi maisampa ang kaso laban sa mga suspects. May mga galamay sila para kumilos ng sa ganun ay hindi umusad ang imbestigasyon,” pagsisiwalat ni Jimenez.

May posibilidad din aniya na bukod sa kanilang mga pamilya, ang mga maiimpluwensyang personalidad na ito ang nagsisilbing protektor ng mga nagtatagong miyembro ng Aegis Juris fraternity.

Dahil dito ay pinayuhan niya aniya ang mga magulang ni Castillo na mag-ingat, lalo na sa mga taong maaaring gamiting emisaryo ng kabilang kampo.