Una sa Balita

Inflation target itinaas ng BSP

By
0 1,250

Itinaas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang inflation target nito para sa taon, 4.5% na dati’y nasa 2-4% lamang.

Ibig sabihin nito, inaasahan ng BSP ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa ngayong taon.

Mandato ng BSP na seguruhing “stable” ang presyo ng mga bilihin at maglatag ng mga patakaran tungkol sa pana­nalapi na magsusuporta at magsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya.

Inaasahan naman ng BSP na tataas pa rin ang inflation rate sa 4.6 hanggang 5.4% ngayong Mayo dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo at sa pagsipa ng presyo ng bigas.

Tumalon ang inflation­ rate noong Abril sa 4.5% kung ikukumpara sa mga presyo noong 2012, o 5.1% base sa mga p­resyo noong 2006, at isinisisi ito sa TRAIN Law at pagtaas ng presyo ng bigas at petrolyo. Ito ang pinakamabilis na pagtaas ng p­resyo ng mga bilihin mula Hunyo 2011 nang ang inflation rate ay nasa 5.2%.