Una sa Balita

Inflation rate bababa sa 2019 – BSP

By
0 392

PINAWI ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pangamba sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Sa budget briefing sa Kamara, inamin ni BSP Gov. Nestor Espenilla na tataas pa ang inflation rate hanggang sa mga huling buwan ng 2018. Pero bababa na aniya ito pagsapit ng 2019.

Sabi ni Espenilla, babalik sa forecast na 2% hanggang 4% ang inflation rate dahil na rin sa ilang adjustment na nagiging dahilan ng pagtaas ng inflation.

Tinukoy ng opisyal ang mataas na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, mataas na excise taxes, at weather related factors na dahilan kaya mataas ang inflation ngayon.

Tiniyak naman ng BSP ang price stabilit­y at pagpapalawak pa sa abot-kayang financial services para makaaga­pay ang mga Filipino sa epekto ng mataas na inflation rate.

“We stand firm in our intent to take decisive and measure policy actions to ensure that the BSP’s price stability objective is met,” ayon kay Espenilla. (Pearl Serrano)