Una sa Balita

Inflation bahagyang umangat sa 3.2%

0 312

BAHAGYANG umakyat sa 3.2% ang inflation rate nitong Mayo dahil sa pagmahal ng presyo ng ilang pagkain at inumin, pati na ng tubig, gas, at kur­yente.

Ito ang sabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) kahapon.

Ang inflation rate ay ang sukat ng pagbilis ng pagmahal ng mga gastusin tulad ng bigas, upa sa bahay, pamasahe, load sa cellphone, tuition fee pati na rin sigarilyo at alak.

Sabi ng PSA, bumagal naman ang pagtaas ng presyo ng alak at sigarilyo, pamasahe, at pagkain sa mga restaurant.

Pasok ang inflation rate sa target ng pamahalaan na 2-4% ngayong taon.
Sabi ni Bank of the Philippine Islands lead economist Emilio Neri Jr., malaki ang nagawa ng sobrang taas na inflation rate nu’ng nakaraang taon.

Dahil sa mataas ang inflation rate nu’ng 2018 na lampas-lampas sa target ng pamahalaan at humupa na ang pagtaas ng presyo ng bigas, nagmumukha tuloy na kakarampot na lamang ang pagmahal ng presyo ng bilihin nga­yong taon. Ito ang tinatawag na base effect dahil ang basehan ay ang presyo nu’ng nakaraang taon na sobrang taas.

“May 2019 inflation tells us base effects matter,” sabi ni Neri.

Mababa man ang inflation rate ngayong taon, babala ni Neri na maaari itong sumipa muli sa fourth quarter ng 2020. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy