Una sa Balita

Inflation at amnesty

0 353

Bilang pagkilala sa kontribusyon ni Rene Garcia (Hotdog) sa industriya, narito ang dalawang awiting pinasikat nila at paano iuugnay sa kasalukuyang mga isyu.

Balitawit

1.Panaginip (Hotdog)
Hindi ako makapaniwalang
Kay taas-taas na ng bilihin…
Hindi ako makapaniwalang
Sahod ko’y di nagtatagal sa akin…
Kung ito’y masamang panaginip
Kaylan kaya magigi­sing?
Kung bakit ‘di ito seryosohin?
At si Trillanes ay hulihin !!!
Hindi ako makapaniwalang
inflation ay ‘di maililihim…
Hindi ako makapaniwalang
Na si Antonio ang kanilang uunahin!!!
Kung ito’y panakip butas lamang…
‘Wag na silang ma­gising
Kung presyo’y hindi nila hahatakin…
Wala na ‘kong pang-saing !!!
Si Piñol, masamang panaginip
Bakit ‘di pa siya alisin?
Kung si PDUTS ay isang panaginip
Ayoko nang
Ayoko
Ayoko nang magi­sing !!!

2. Ikaw Pa Rin (Hotdog)
Ikaw Pa rin
J.M Lagon
Marami na akong nahalikan
Marami pang labing matitikman
Kay rami nang napusuan
‘Di na mabilang kung ilan
Ngunit ganoon pa ma’y ikaw pa rin…
Ikaw pa rin ang s’yang pangarap ko
‘Di ko man lang alam pangalan mo
Ako’y iyong nginitian at magmula noon
Ang laging nasa isip ko
Ang laging nasa isip ko.