Indoor Martial Arts Games sisipa sa Harrison Plaza

By

Magdaraos ang One Team Philippines – Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) ng five-day tryout at qualifying tournament para sa mga potensiyal na sports na kayang makapagbigay ng medalya sa bansa sa palarong tatawaging 2017 Philippine Pre-5th Asian Indoor and Martial Arts Games sa Harrison Plaza sa Malate sa May 29-June 2.

Sinabi kahapon ni AIMAG deputy chef de mission Raymond Reyes na ito’y magkasanib na babalangkasin ng Philippine Sports Commission at Team Philippines AIMAG Task Force para makatuklas ng mga bago pero magagaling na atleta sa limang sports na walang national sports associations sa bansa.

“Ang tournament ay para sa five sports event na wala pang NSAs sa ngayon sa atin, so qualifying nila and to showcase din ‘yung mga bagong sports na paglalabanan sa 2017 AIMAG,” ani Reyes ukol sa torneo na kilala din bilang 5th Asian Indoor Games na gaganapin sa Ashgabat, Turkmenistan sa Sept. 17-27.

Paglalalaban sa multi-sports meet na bukas sa lahat ng Pilipino na lalaki at babae edad 18-anyos pataas ang belt wrestling, kickboxing, kurash, jiu-jitsu, sambo, at traditional wrestling.
“It is open to all amateur and professional participants,” pahabol ni Reyes. “An athlete should be a Filipino citizen, whether by birth or naturalization, with ages 18-years and above. “

Lahat ng mga interasadong lumahok maaaring magpadala ng kanilang intensiyon at kinakailangang mga dokumento sa email address na Preaimag2017@gmail.com.

SHARE