Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Indonesian president tinurukan ng Sinovac

0 93

Tinurukan na si Indonesian President Joko Widodo ng COVID-19 vaccine na ginawa ng biopharmaceutical company ng China na Sinovac Biotech.

Sa kahapon, sinabing si Widodo ang unang Indonesian na binakunahan kontra coronavirus.

Unang tinurukan ang pangulo ng Indonesia para maipakita sa kanyang mga nasasakupan na ligtas ang bakuna galing China. Kasunod nito, ang malawakang vaccination kontra COVID-19 sa nasabing bansa. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.