Una sa Balita

Indonesian na bihag ng ASG sinagip

0 247

Naligtas ng mga tropa ng Joint Task Force Sulu ang isang Indonesian national na huling bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang operasyon sa Indanan, Sulu.

Matagumpay na nailigtas ng militar ang biktimang si Muhammad Farhan, matapos ang isinagawang intensive military intelligence operation ng JTF Sulu dakong alas-6:45 Miyerkoles nang gabi sa Barangay Bato-Bato ng nabatid na bayan.

Ayon kay Lt. General Cirilito Sobejana, comman­der ng Western Mindanao Command, isang tip ang natanggap ng militar sa mga residente kung saan itinatago ng mga miyembro ng ASG ang bihag na Indonesian national.

Agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga sundalo at nabawi ng mga ito si Farhan.

Una nang dinala si Farhan sa Kuta Heneral Teo­dulfo Bautista Station Hospital para sa medical exa­mination bago inilipad sa Camp Navarro General Hospital para sa debriefing.

Pinuri naman ni Sobejana ang mga tropa ng JTF Sulu sa kanilang malaking accomplishment na maligtas ang lahat ng nalalabing bihag na hawak ng ASG.
“We are very pleased with this remarkable accomplishment of our Joint Task Force Sulu,” pahayag ni Sobejana.

“Our ground troops have succeeded in rescuing all remaining captives of the Abu Sayyaf Group. This proves that our sustained rescue efforts and security operations to run down and degrade ASG,” dagdag pa ng opisyal.

Sinabi pa ni Sobejana na magpapatuloy ang ope­rasyon ng militar sa pagpapahina sa puwersa ng Abu Sayyaf upang matapos na ang kanilang pangingidnap, at tuluyang malansag ang nasabing terrorist group. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More