Una sa Balita

Indonesian actor ipinagsigawang mas guwapo siya kay Empoy

0 501

“Mas guwapo ako kay Empoy” ang sabi ni Dodit Mulyanto, ang Indonesian actor/singer na gumanap na bida sa pelikulang “Cinta Itu Buta (Love is Blind)”.

Ang “Cinta Itu Buta (Love is Blind)” ay Indonesian remake ng “Kita Kita” na pinagbidahan nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi, na kumita nang husto sa takilya.

Tungkol nga ito sa isang babaeng nagkaroon ng temporary blindness dahil sa stress, pero makakakita sa pamamagitan ng pag-ibig nang ang isang lalaki ay kusang umalalay sa kanya.

Nang iwanan ni Jun-ho (Chae In-Woo), isang local Korean, si Diah para sa ibang babae, siya ay na-depress na naging sanhi ng kanyang pagkabulag. Naging miserable siya nang sabay na mawala ang kanyang kasintahan at paningin, kung kaya nagkulong siya sa kanyang tirahan sa Busan. At dumating si Nik, kapwa niya Indonesian, na sinorpresa siya isang araw ng isang pagkain na nagpatuloy araw-araw hanggang sa sumuko na siyang hindi ito pansinin.

Sa kabila ng kawalan ng paningin, inaya ni Nik si Diah na ipasyal siya sa buong lungsod sa pangakong siya ang magsisilbing mga mata nito. Sa huli, ang magaan nilang pagkakaibigan ay nag-umpisang umusbong nang higit pa. Mula sa Sapporo, Japan sa “Kita Kita” hanggang Busan, South Korea para sa Indonesian adaptation, ang pag-ibig ay muling matutuklasan gamit lamang ang pandama.

Si Shandy Aulia, isang aktres at costume designer ang nagkamit ng kasikatan sa kanyang lead role sa romance “Eiffel I’m In Love”, na matapos ang labinlimang taon ay nasundan ng isang sequel. Kalaunan, siya ay bumida rin sa mga horror movies gaya ng “Tarot”, “The Doll”, at “Kutuk” (Curse). Ngayon, ginagampanan niya si Diah, isang tour guide sa South Korea na nawasak nang ang fiancé niya ng tatlong taon ay iwanan siya.

Anyway, si Dodit ay dating music teacher, at nag-umpisa sa kanyang acting career noong sumali siya sa Stand-Up Comedy Indonesia (SUCI). Matapos ang contest, nakilala siya sa mga comedy films gaya ng “Cek Toko Sebelah” (Check The Shop Next Door), “Susah Sinyal” (Difficult Signal) at sa action-comedy, “Partikelir” (Private). Sa kanyang mga naging pelikula, si Dodit ay palaging gumaganap ng supporting roles hanggang sa maging bida siya ngayon sa “Cinta Itu Buta (Love is Blind)”. Sa pelikula, ginagampanan niya si Nik, isang masigasig na kapitbahay ni Diah, na tinulungan niyang maipanauli ang pagiging positibo sa buhay. Siya rin ang umawit ng theme song ng pelikula, ang “Darling”.

Dingdong hinamon si Richards sa speedboat

Madalang na magsama sa isang project sina Primetime King at Asia’s Multimedia Star. Kaya naman ‘pag nagsama sila, para kang nasa ulap sa kaligayahan.

Well, binitbit nga ni Dingdong Dantes si Alden Richards sa isang bonggang adventure, tulad ng pag-i-speedboat. Nakapasa kaya si Alden kay Dong pagdating sa speedboat?

But before that, they share a moment talking about Alden’s travels including his recent cold Valentine trip to Iceland. Also watch out for the exclusive travel videos that Alden is sharing for the first time on national TV!

Ang “Amazing Earth” ay dinirek ni Rico Gutierrez. Napapanood ito tuwing Sundays after “24 Oras Weekend.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy