Una sa Balita

Indonesia saludo kay Casugay

0 543

LABIS ang pasasalamat­ ng ng Indonesian surfing­ team kay Pinoy surfer Ro­ger Casugay matapos niyang iligtas ang karibal na surfer na si Arip Nurhidayatnito nang anurin ng malala­kas na alon sa gitna ng kanilang laban nila sa 30th SEA Games.

“Thank you to all the Filipinos and also to Roger Casugay. He coming toward our rider and helping each other. They stand up together in one board, that’s what we call we win as one,” pahayag ng Indonesian Surfing coach kay Roger at sa mamayang Pinoy.

Sa kalagitnaan ng kumpetisyon ay biglang naputol ang tali o ‘leash’ ni Arip na nagbibigay suporta sa paa at sa surf board.

Agad namang rumes­ponde si Roger Casugay kaya mas pinili niyang isalba ang kanyang kalaban at bitawan ang gintong medalya. (AE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More