Una sa Balita

Indonesia quake lumobo sa 130 katao ang namatay

0 251

Lumobo na sa 131 ang bilang ng nasawi sa magnitude 7.0 lindol sa Lombok Island sa Indonesia noong gabi ng Agosto 5.
Naunang lumabas ang ulat na umabot na sa 381 ang bilang ng namatay sa nakaraang lindol pero ayon disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho, hindi pa nabeberipika ang death toll ng governor at rescue agency dahil maaa­ring nadoble ang kanilang listahan.

Higit sa 156,000 katao ang apektado ng lindol matapos na masira ang kanilang bahay.

Nagsimula na ring dumating ang tubig, pagkain at medical supplies sa isla, dala ng limang eroplanong lumapag doon.

Ito na ang ikala­wang lindol na yumanig sa Isla. Noong Hulyo 29, isang magnitude 6.4 na lindol ang naranasan doon na ikinamatay ng 16 katao at nagdulot ng bitak sa mga konkretong bahay.