Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Indonesia niyugyog ng magnitude 7.3

0 189

Isang malakas na lindol na naitala sa magnitude 7.3 ang tumama sa lalawigan ng Maluku sa Indonesia madaling-araw kahapon.

Base ito sa na-monitor ng US Geological Survey subalit wala namang iniulat na tsunami warning, nasawi o pinsalang dulot ng lindol.

Naganap ang lindol dakong alas-3:35 ng madaling-araw sa Indonesia at naitala ang epicenter nito sa Lospalos.

Kabilang ang Indonesia sa mga bansa na matatagpuan sa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan madalas magkaroon ng volcanic activity.

Leave A Reply

Your email address will not be published.