Una sa Balita

Indonesia niyanig ng magnitude 7.1

0 397

ISANG lindol ang naitala sa Indonesia na may lakas na magnitude 7.1 kahapon.

Ayon sa U.S. Geological Survey, tumama ang lindol sa 139 km. northwest ng Ternate City kung saan mayroong lalim ito ng 45 kilometer.

Bagama’t nag-isyu ng tsunami warning ang Climate and Geophysics Agency ng Indonesia ay agad itong binawi kalaunan.

Naramdaman din ang pagyanig sa Sulawesi Islands at mga lalawigan sa North Maluku kaya’t nag-panic ang mga residente at nag-akyatan sa mataas na lugar.

Sa pinakahuling ulat, dalawa ang naitalang sugatan sa nangyaring pag­lindol habang maraming simbahan at kabahayan ang nasira.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy