Una sa Balita

Indonesia inuga ng magnitude 6.8 quake

By
0 2

Tatlo ang sugatan habang marami pang gusali at bahay ang nasira sa nangyaring magkakasunod na paglindol sa bansang Indonesia.

Sa ulat ng AFP, agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng sugat sa ulo dahil sa nabagsakan ang mga ito ng mga gumuhong bato.

Natukoy ng US Geological Survey ang unang malakas na lindol na magnitude 6.8 sa Sulawesi Island sa Indonesia at may lalim na 9 kilometro at ang epicenter ay sa Southeast ng Palu.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Sutopo Nugroho, tagapagsalita ng disaster mitigation agency ng Indonesia, tumagal ng 20 segundo ang naram­daman ng mga residente ng nasabing lugar dahil sa paggalaw ng lupa.

Nakapagtala rin ng 14 na aftershocks na ang pinakamalakas ay natukoy na may lakas na magnitude 5.2.

Nagdulot ito ng panic sa mga residente na nagsilabasan agad sa kanilang mga tahanan at gusaling kinaroroonan.