Una sa Balita

Indian president nakiramay sa mga nilindol

0 248

NAGPAABOT ng pakiki­ramay si Indian President Ram Nath Kovind sa mga nasawi at naapektuhan ng malakas na lindol sa Midanao.

Inihayag ito ni President Kovind sa expan­ded bilateral mee­ting nila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang nitong Biyernes nang hapon.

Hangad ng Indian president na makaba­ngon muli ang mga naapektuhan ng lindol at makabalik sa normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.

“I convey my dee­pest condolences on the loss of lives caused by the earthquake in Minda­nao. I hope the affected people are able to beginm their normal lives. I thank you for your warm welcome,” anang Indian President.
Nagpasalamat din si President Kovind sa mainit na pagtanggap sa kanya ni Pangulong Duterte sa Malacañang.

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na napapanahon ang state visit ni President Kovind dahil naitaon ito sa ika-70 anibersaryo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at India.

Hindi lamang aniya ipinagdiriwang ang pagkakaibigan ng dalawang bansa kundi ang mahigit 100 taon ng pakikisa­lamuha ng mga mamamayan ng mga ito.

“Your visit pays tri­bute to the friendly ties between our nations as we commemorate its 70th anniversary this year. We are not only celebrating our formal relations but of a centuries old interaction and exchange between our peoples. And there is still ample room for expansion,” anang Pangulo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy