Una sa Balita

Indian national tinodas sa kotse

0 243

PATAY ang isang Indian national matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin habang nasa loob ng nakaparadang sasakyan sa bayan ng Bula, Camarines Sur.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Surjit Singh, 40-anyos, may asawa.

Ayon kay P/Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, naganap ang insidente alas-9:30 kamakalawa nang umaga sa kahabaan ng Provincial Road, sakop ng Zone 1 Barangay Balaogan sa bayan ng Bula.

Nasa loob ng kanyang nakaparadang kotse ang biktima nang lapitan ito ng hindi pa kilalang suspek at barilin nang malapitan sa ulo.

Kinuha rin sa biktima ang kanyang cellphone at ‘di pa batid na halaga ng pera, bago tumakas ang suspek. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More