Una sa Balita

Indian national timbog sa bookies

0 363

Hindi lang iligal na pagpapautang, kundi maging ang iligal na sugal ay pinasok na rin ng isang Indian national na naaresto sa Tanauan City, Batangas kamakalawa.

Nadakma ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch at mga tauhan ng Tanauan City Police ang suspek na si Gurdip Kumar sa anti-illegal gambling ope­ration sa Barangay Darasa dahil sa pagsasagawa umano nito ng illegal bookies ng Small Town Lottery (STL).

Nakatakbo naman ang kasama nito na si Maricel Dequito.

Narekober dito ang iba’t ibang mga STL paraphernalia at cash money.

Ang operasyon ay isinagawa bunsod ng ulat na patuloy ang iligal na operasyon ng tinatawag na ‘bookies-kuskusan’ sa natu­rang lugar na kabilang sa mga ipi­nagbabawal na sugal. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy