Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

India unang dadating sa FIBA Qualifiers

0 161

UNANG darating ang koponan ng India na patungo na Lunes sa Manila para sa pagsabak nito sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ang 12-man squad na pinamumunuan ng 7-foot-2 center na si Princepal Singh nakatakdang lumapag sa bansa Lunes para sumabak sa qualifier kung saan dalawang araw lamang nitong magpapahinga bago agad sasagupa sa torneo na magsisimula na sa Huwebes.

Si Singh, na naglaro para sa NBA G League Ignite team, ang pangunahing armas ng India na asam magpamalas ng matinding laro sa kinasadlakan nitong Group A sa qualifier.n

Kasama rin sa team ang mga beterano na sina Vishesh Bhriguvanshi, Amritpal Singh at Muin Bek Hafeez na ilan sa sasandigan ng koponan sa pagsagupa nito sa host Gilas Pilipinas, Korea at New Zealand.

Kabilang din sina Arravind Annadurai, Manoj Belur Manjunatha, Palpreet Singh Brar, Rajeev Kumar, Arvind Kumar Muthu Krishnan, Prashant Singh Rawat, Sahaij Pratap Singh Sekhon at ang NBA Academy India prospect na si Pranav Prince.

Gigiyahain ni coach Veselin Matic ang koponan na asam magtala ng panalo kontra New Zealand sa Peb. 24, Gilas Pilipinas sa Peb. 25, Korea sa Peb. 27, at ikalawa sa New Zealand sa Peb. 28 sa Smart Araneta Coliseum. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.