Una sa Balita

Independencia Real markado

0 318

PASISIBATIN sa Nob­yembre 24 ang KDJM Juvenile ‘Fillies’ Stakes race kung saan 10 kabayo ang nagdeklara ng pagsali kabilang si Independencia Real sa event na may P500,000 premyo na ang ikakalat sa 1st hanggang 4th placer.

May distansyang 1,400 metro ang karera, tatanggap ng P300,000 ang magkakampeon, mapupunta ang P112,500 sa pangalawang kaba­yong tatawid sa meta habang P62,500 at P25,000 ang ibubulsa ng pangatlo at pang-apat, ayon sa pagkakasunod.

Tatanggap naman ng tropeo ang winning horse owner, trainer at jockey mula sa Klub Don Juan de Manila (KDJM).

Ang ibang kalahok ay sina Batang Evalom, Carmela’s Fury, Divine Success, Dream Team, Fortress, Kindred Soul, Our Secret, Parokya Ni Paolo at Sky Candy.

Nitong Sabado lang sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ay nagbatak si Independencia Real sa Two-Year-Old Maiden Race.

Nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jocke­y of the Year awardee Patricio Ramos Dilema, sinilat ni Independencia Real ang liyamadong si Noon Bell.

Tulad ng Independencia Real, naghahanda rin sa isang stake race ang tinalo nitong si Noon Bell.

Makikipagtagisan ng bilis ang Noon Bell sa KDJM Juvenile ‘Colts’ Stakes race, may layo rin itong 1,400 metro. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy