Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inday Sara nilampaso si Sotto

0 159

Lalo lang lumayo ang agwat ni Lakas-CMD vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte sa mahigpit nitong katunggali na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Marso 17 hanggang 21,2022, na may 2,400 respondents ay patuloy pa rin ang nangunguna ni Mayor Sara na nakakuha ng 56%.

Pumangalawa naman si Sotto sa malayong 34% puntos.

Sumunod kay Sotto si Senador Francis Pangilinan na nakakuha ng 15%.

Si Doc Willie Ong naman ay umiskor ng 5% at Rep. Lito Atienza ay 1%.

Si Manny Lopez ay nakakuha ng 0.3%, Walden Bello, 0.1% at 0.01% sina Carlos Serapio at Rizalino David.

Matatandaang nanguna na rin si Mayor Sara sa vice presidential bet sa mga naunang isinagawa ng ilang survey group. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.