Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inday Sara humaba pasensiya sa kampanya

0 88

Natutunan ni vice presidential candidate Sara Duterte sa kampanya na huwag patulan ang mga atake at sagutin ang mga ito ng UniTeam burger.

“Alam niyo natutunan ko sa ating kampanya, na huwag na pumatol. Kaya nga may burger tayo. Dahil burger kayong lahat, at silang lahat sa amin ni Bongbong Marcos,” sabi ni Duterte sa miting de avance ng UniTeam noong Sabado ng gabi.

Hinimok ni Duterte ang kanilang mga suporter na batuhin ng UniTeam burger ang mga nagka-kansel sa kanila dahil sa pagsuporta sa kanya at sa running mate nitong si presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.

Nanawagan din si Duterte sa kanilang mga supporter na bumoto kasabay ng pagpapasalamat sa mga ito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.