Una sa Balita

Inday Sara bukas sa vice president

By ,
0 1,195

INAMIN ni Davao City Vice Mayor Sara Duterte-Carpio na bukas pa rin siya sa pagkandidato bilang vice president o sa kahit anong posisyon sa gobyerno.

Inihayag niya ito nang dumalo sa pagdinig ng Commission on Elections (Comelec) sa main office nito sa Intramuros, Maynila kahapon kaugnay sa petition for registration ng itinatag niyang regional party na Hugpong ng Pagbabago.

Nakapanayam si Ma­yor Sara ng media pagkatapos ng pagdinig at tinanong ito kung ano ang tinatarget niyang posisyon sa susunod na eleksyon.

Sagot ni Mayor Sara, posibleng sa posisyon ng vice president pero maagap din nitong sinabi na biro lamang niya iyon.

“Vice president? Joke only. Yeah I’m open (sa anumang posisyon),” sabi ng alkalde.

Sinabi pa nito na depende ang kanyang magi­ging desisyon sa usapin ng pondo, tsansa na mana­nalo siya at kung sino ang kanyang makakalaban.

Sinabi pa nito na tradisyon na nilang magdesisyon kung kakandidato dalawa o tatlong buwan bago ang eleksyon.

Hindi rin anya nakikialam si Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang tatakbuhang posisyon.