Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Income tax ng 3 Pharmally exec pinakakalkal

0 216

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na makita ang income tax record ng tatlong mataas na opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation bago at matapos makabili ng milyong pisong halaga ng mga luxury car.

“Hinihingi ko ang kanilang income tax return noong 2019 [to] 2020 para malaman natin kung meron ba silang sapat na kakayahan na bilhin itong mga sasakyan na naghahalaga ng—sa bilang ko mahigit P60 million,” pahayag ni Drilon sa panayam sa Teleradyo.

“Kung wala naman silang kinita sa Pharmally noong 2019, paano naman biglang nagkaroon ng mahigit sa 60 million halaga ng mga sasakyan?” dagdag nito.

Ayon kay Drilon, wala namang kinita ang Pharmally noong 2018 subalit matapos makuha ang P8.6 bilyon kontrata sa gobyerno para sa medical supplay noong 2020, biglang pumalo sa P400 milyon ang kita ng kompanya.

Samantala, nanawagan din si Drilon sa Commission on Audit na magsagawa ng “fraud audit” ng mga pinasok na kasunduan ng gobyerno sa Pharmally. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.