Una sa Balita

INC pasok sa Guinness World Record

By
0 1,126

NAITALA sa Guinness World Record ng Iglesia ni Cristo (INC) ang pinakamalaking human sentence na nakasulat ang ‘Proud To Be A Member of Iglesia Ni Cristo’ sa Quirino Grandstand sa ginanap na Worldwide Walk for Poverty mula Buendia hanggang Roxas Blvd., sa Maynila kahapon ng umaga.

“We broke the record for the Largest Human Sentence with 23,235 participants,” sabi ni Bro. Erwin Briones ng INC-Public Information Office (PIO).

Natalo nito ang record na naitala ng India noong 2016 kung saan 16,550 katao ang nag-form ng salitang ‘You Can You Will’.

Abante Hiring – IT dep

Plano rin ng INC na makuha ang lima pang Guinness World Record na Largest Photo Mosaic, The Largest Cha­rity Walk, Single Venue, Multiple Venues at Most Number of Nationalities.

Pagkatapos ng event, inatasan ang lahat ng kalahok na iwanan ang kanilang mga wrist band sa finish line upang malaman ang bilang ng mga kalahok sa pagtitipon.

Layunin ng event na matalo ang 2014 record kung saan mahigit sa 500,000 mga participant mula sa 129 sites sa iba’t ibang panig ng mundo mula sa 16 bansa. Kinilala ito na pinakamalaking charity­ walk across multiple venues sa loob ng 24 oras.

Samantala, tinata­yang aabot sa may 1.5 milyon miyembro ng INC nakiisa sa cha­rity walk na Worldwide Walk (WWW) kahapon nang umaga sa may Roxas Boulevard, Maynila.

Ayon sa Manila Police District, kasama sa mga nakisali sa event sina Presidential Communications Secretary Martin Andanar at Senador JV Ejercito.

Nabatid na ito ang ikalawang beses na isinagawa ang event sa bansa na unang idinaos noong 2014 para tulu­ngan ang mga biktima ng bagyong Yolanda.