Una sa Balita

INC kinontra ng DAR union sa suporta kay Castriciones

By
0 1,376

UMAPELA ang union ng mga empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Iglesia Ni Cristo (INC) na tingnan muna ang ku­walipikasyon ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones bago ito suportahan sa Commission on Appointments.

Ang hiling ay ipinarating ng DAR Employees Association (DAREA) sa pamunuan ng INC matapos makatanggap ng impormasyon na hiningi ni Castriciones ang suporta ng INC at ito ang isa sa kanyang ipinagmamala­ki para makalusot sa makapangyarihang CA sa kabila ng maraming pagtutol sa appointment nito.

Sa liham na ipinadala ni DAREA president Antonia Pascual sa INC, nanawagan sila na huwag suportahan si Castriciones sa bata­yang hindi ito kuwalipikado sa posisyon dahil walang sapat na expertise lalo sa usapin ng land reform.

Ayon kay Pascual, nakatanggap sila ng impormasyon na isang ‘Ka Erdz’ na miyembro ng INC ang umiikot sa mga miyembro ng CA upang kumpirmahin na suportado nila ang kumpirmasyon ni Castriciones.

Dahil umano sa endorso ng INC kaya naman ganun na lamang ang pagyayabang ni Castriciones na makakalusot siya sa CA.