Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inaway ang mga magulang dahil sa datung

0 66

Napanaginipan ko na nagtatalo raw kami ng tatay at nanay ko, parang tungkol sa pera tapos umabot na sa nag-empake ako ng mga damit ko at aalis na ko sa bahay pero pinigilan daw ako ng mama ko. Sobrang sama daw ng loob ko nun na tipong hanggang paggising parang nararamdaman ko ‘yung emosyon ko sa panaginip. Sa totoong buhay, hindi naman kami nag-aaway ng parents ko pero alam mong hindi rin ganun ka-okay ‘yung relationship namin. By the way, siguro pangalawang beses ko nang napanaginipan ‘yung ganito. ‘Yung una, medyo matagal na tapos naulit na naman kaya gusto kong malaman kung ano kaya ang ibig sabihin nito. Salamat.

– Diamond

Ang panaginip na nagpapakita ng pakikipag-away sa mga magulang ay maaaring nagsasabi na kailangan mo ngayong ng emotional at spiritual healing. Mas bukas na rin ngayon para palayain ang sarili mo sa mga taong pakiramdam mo ay humahadlang sa iyong pag-grow.

Hindi naman nito sinasabi na ang mga magulang mo ang direktang hadlang, pero sa panaginip mo, sila ang naging simbolo para sabihing may mga taong nagbibigay sa iyo ng motibasyon maliban sa mga kapamilya mo.

Maaaring sila ay kaibigan, katrabaho, mentor, o kaya naman ay karelasyon mo ngayon. Itinuturo ng panaginip mo ang pagtungo mo sa mas payapa at komportableng lugar.

Pwede ring sign ito na ituloy mo na ang mga naudlot mong plano para abutin ang iyong goal sa buhay. Ibig sabihin, konektado rin ang panaginip na ito sa passion at pagiging mapagmahal mo sa anumang bagay na iyong pinagkakaabalahan.

May kaugnayan din ang pakikipag-away o pagpasok sa isang argumento sa itinatago mong galit. Baka rin napupuno ka na sa pagpapalaki sa mga issue na tingin mo ay maliit na bagay lang naman sa buhay mo.

Nag-a-adjust ka pa sa bagong sitwasyon kung saan pabago-bago ang mga sinusunod na rules kaya hindi pa stable ang emosyon mo. Nagpapakita rin ito na may relasyon sa buhay mo na hindi maayos at sinusubukan mo lang itong takpan

Sinasabi ng panaginip mo na kailangan mong i-express ang iyong sarili. Baka masyado ka nang hospitable sa ibang tao pero hindi mo naisasaalang-alang ang sarili mong feelings. Palakasin mo ang iyong self-confidence at kontrol sa sarili mong mga desisyon sa buhay,

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.