Una sa Balita

Inatake ng mga multo sa hotel

0 206

Mga ka-Misteryo, mag-ingat sa pag-check in sa Hotel baka bigla kayong bulabugin at atakehin ng mga multo.

‘Yan ang ating paksa ­ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Kayo ba ay binangungot habang natutulog sa tinuluyan niyong Hotel? Paano kung hindi ka lang binangungot, inatake ka pa ng mga multo.

‘Yan ang karanasan ni Joshua ng Rizal nang minsan magawi sila sa Vigan para sa isang event. Kasama ang kaibigan na si Elijah ay tumuloy sila sa isang lumang Hotel malapit sa Calle Crisologo at tulad ng nakagawian ng mga turista ay namasyal muna sila hanggang sa abutin sila ng hatinggabi at bumalik sila sa Hotel.

Dahil sa pagod sa pamamasyal ay madaling nakatulog ang magkaibigan hanggang sa biglang maalimpungatan si Joshua at hindi siya makakilos. Ito ang inusisang mabuti ng #Misteryo.

Misteryo: “Paano ‘yung hindi ka makakilos wala kang maigalaw sa iyong katawan?”

Joshua: “Oo nu’ng gabing ‘yun hindi talaga ako ­makakilos at grabeng takot ko.”

Misteryo: “Bakit? Anong nangyari sa ‘yo? May multo ba?”

Joshua: “May humatak sa kumot ko at gusto akong takluban. Sigaw ako ng sigaw para gisingin si Elijah sa katabing kama. Pero wala raw siyang magawa at hindi rin siya makakilos.”

Misteryo: “Hindi rin makakilos si Elijah? Ano nangyari sa kanya? Sabay kayong inatake ng mga multo?”

Joshua: “Oo sabay kami kaya grabe takot ko. Naririnig ko rin ang impit na boses ni Elijah sa kabilang kama na ­parang lumalaban siya.”

Misteryo: “So anong ginawa mo paano ka nakabangon, nakakilos?”

Joshua: “Ayu’n sa biglang sigaw ko ay pinilit kong bumangon at sabay pa kaming bumangon ni Eijah.”

Misteryo: “Ano ba nangyari kay Elijah? Nakipaglaban ba siya sa mga multo?”

Joshua: “Dami raw niyang nakitang multo nakapaikot sa kanya at pinagtutulungan siya. Pero nagawa niyang ­makalaban. Pagkatapos nu’n nag-impake na kami lumabas na kami ng hotel?”

Ang karanasan nina Joshua at Elijah ay maaari ring mangyari kaninuman at saanman kaya kailangan na ­mahalagang magdasal bago matulog pero ­pakiramdaman munang mabuti ang lugar na tutuluyan niyo.

***

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng Misteryo at Kababalaghan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsiba­yan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More