Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inatake ng lungkot: Julia hindi mapaligaya ni Coco

0 327

Inaatake ng anxiety si Julia Montes. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ng lungkot si Julia.

Na kung titingnan mo ay napakaganda ng siwasyon sa buhay. Na bukod sa maganda ang relasyon nila ni Coco Martin, abala siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, tutok siya sa online class, at abala sa pagluluto, kaya wala na siyang dapat ikalungkot pa.

Nalaman ng mga follower ni Julia ang pagkakaroon nito ng mental health issue sa pinoste nitong head shot sa Instagram.

Ang ganda-ganda ni Julia sa larawan na nakangiti, pero hindi ang itsura niya ang laman ng kanyang mensahe kundi ang mental health.

“When anxiety is great within me, your consolation brought me joy. Psalms 94:19,” sabi ni Julia.

Ang sabi, kahit daw si Coco ay walang magawa kapag inaatake ng anxiety si Julia.

Angel bumilib sa sipit daliri ni Neil

Magbibigay ng tag-P5K sina Angel Locsin, Neil Arce sa tatlong tao, sa bagong game challenge na naisip nila.

Sa YouTube channel nila ay nilunsan nga nila ang “The Angel and Neil Challenge” at pinagmalaki ng aktres ang kakayahan ni Neil na kunin ang kahit na anong bagay sa pamamagitan ng pagsipit sa kanyang mga daliri sa paa.

Mapapanood na isinalang ni Angel ang asawa sa challenge kung saan ang deal nilang dalawa pag hindi nagawa ni Neil na sipitin ang anumang bagay na ihahagis niya sa sahig, maglilinis ng buong bahay ang huli.

Mula sa make-up brush, birthday, candle, post it paper, make up tube, bottle at ang isa sa pinakamirap ay toothpick, nagawang sipitin lahat ni Neil.

Tagumpay na nagawa ni Neil ang challenge. Kaya inimbitahan ng mag-asawa na sumali sa kanilang game challenge ang mga fan, at magpadala ng kanilang video na nagpapakita ng kanilang kakayahan (in a creative and hardest way) sa pagsipit.

Jolina ginamit sa panlalait kay Estrada

Layunin lang naman ni Jolina Magdangal ay suportahan si Karla Estrada sa pagpasok sa politika, bilang bahagi ng isang party-list na kinabibilangan din ni Congresswoman Yedda Marie Romualdez, pero naging daan ang post na `yon para bakbakan nang todo ang nanay ni Daniel Padilla.

Pinost ni Jolina ang official statement ng ABS CBN sa pagpasok sa politika ni Karla.

“Alam kong mabuti ang hangarin mo para sa mga kababayan mo sa Tacloban,” sabi ni Jolina.

Pero, matitindi nga ang komento ng mga netizen kay Karla sa IG post na `yon ni Jolina.

Uhaw daw sa kapangyarihan si Karla, hirit ni @bigotslee32.

Sabi ni @bengsurio10, mali ang desisyon ni Karla, dahil ito raw ang hihila pababa sa popularidad ni Daniel.

Sabi naman ni @mm.almeria, “Si Karla ang magpapalubog sa KathNiel.”

Naniniwala naman si @erwinrichardgomz na hindi bagay sa politika si Karla.

“Hayaan mo sya magkalat, alaws alam yan sa politika, mauungkat lang pagka-bold star nyan.”

Kinamumuhian ng ABS CBN supporters si Congresswoman Yedda Marie Romualdez dahil isa ito sa 70 mga kongresista na bumuto para ‘di mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.