Una sa Balita

Inasawang anak, pinatay ng napraning na ama sa US

By
0 4,521

BINARIL hanggang sa ma­patay ng isang lalaki ang kanyang sariling anak, na ginawa niyang asawa, kasama ang pitong buwang gulang ni­lang supling, bago nagpakamatay matapos na hindi matanggap ang paki­kipaghilaway ng biktima, sa Estados Unidos.

Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Katie Pladl, 20-anyos, sa loob ng pick-up truck, katabi ng bangkay ng adoptive father nitong si Anthony Fusco, 56-anyos, sa Connecticut.

Wala na ring buhay nang madatnan ng mga pulis ang labi ng kanilang anak sa loob ng kanilang bahay sa Knightdale, North Carolina. Hindi pa malinaw kung paano pinatay ang sanggol.

Nakita naman ang bangkay ng suspek na si Steven Pladl, na pinaniniwalaang nagbaril sa kanyang sarili sa loob ng nakaparadang minivan sa Dover, New York.

Ayon sa ina ng suspek, tumawag pa sa kanya si Steven at ikinuwento ang ginawang pagpatay sa kanyang asawa at anak.
Ginawa daw niya ito dahil sa gusto nang makipaghiwalay ni Katie.

Noong Enero, inaresto ng mga awtoridad sina Steven at Katie Pladl sa Henrico County, Virginia dahil sa kasong incest. Nakalaya sila matapos magpiyansa.

Ipinaampon ni Steven si Katie noong maliit pa lang ito subalit noong umedad ng 18 ay hinanap ng dalaga ang kanyang mga magulang gamit ang social media.

Nang makasama ni Katie ang mga tunay na magulang, sinipingan naman siya ng kanyang ama at nabuntis. Nakipagdiborsyo si Steven sa ina ni Katie at makalipas ang ilang buwan, ang anak naman ang pinakasalan ng suspek.