Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inasar na bakla sa panaginip

0 62

Napanaginipan ko na nasa comfort room ako at umuuhi, may nakasabayan daw ako na dalawang lalaki na mga bully. Tinawag nila ako na bading. Hanggang sa lumbas na ako at nasa kalsada, ganun pa rin ang tawag nila sa akin kaya raw pati yung bata sa daan, ‘yon na rin ang tawag sa akin. Sobrang sakit ‘yung naramdaman ko sa panaginip ko. Noong nakarating na ako sa bahay, nakita ko ‘yung mga kabigan ko, hindi ko sila killa sa totoong buhay pero sa panaginip ko e mga kaibigan ko raw sila. Sinundan daw ako doon ng mga bully tapos nam-blackmail sila sa akin, tapos nun nagising na ako kasing parang bad mood na talaga ako.

  • Preston

Ipinapakita ng panaginip kung saan mayroong nagpapakita ng agresibong pag-uugali tulad ng bullying, na mayroon kang kinasasangkutang problema o kaya naman ay madi-disappoint ka sa hindi malayong hinaharap.

Nangangahulugan rin ang panaginip mo na mayroon kang katrabaho na hindi ginagampanan nang maayos ang kanyang tungkulin kaya naman mayroong giriian na nagaganap sa inyong work place.

Pwedeng mayroong task na ibinigay sa iyo at nahihirapan ka na isagawa ito kasama ng mga katrabaho mo. Nirerepresenta ng bully sa iyong panaginip na ang mga nakatago mong karakter at sinasalamin ang mga ideya o nararamdaman mo ngayon.

Ang pinaka kailangan mong gawin ngayon at sinasabi ng iyong panaginip ay magkaroon ng paninidigan sa buhay. Ikaw ang kailangang sundin ng ibang tao kaya naman dapat tatagan mo ang iyong loob para maipakita mong isa kang mahusay na lider at kayang-kaya mo ang mga task na nakaatang sa iyo.

Maaaring nakaranas ka ng rejection at isa itong paraan ng subconsious mo para ipakita na labis kang nagdadamdam sa pangyayari.

Ang bahagi naman kung saan nakita mo ang taong hindi mo kilala pero feeling mo ay kaibigan mo ay nangangahulugan na makakaranas ka ng mga bagong experience. Pwedeng tungkol ito sa bagong relasyon o kaya naman indikasyon na may kakaibang magaganap.

May pagpapakahulugan din na sinasabing representasyon ang mga stranger ng ating inner self, maaaring unti-unti kang nawawalan ng tiwala sa iyong sarili at feeling mo ay laging may mga matang nakatingin sa iyo.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@newuserone

Leave A Reply

Your email address will not be published.