Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inambus nq Cotabato Mayor nasa narcolist

0 374

Patay ang Mayor ng bayan ng Sto. Nino, South Cotabato na kabilang “narcolist” ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin lulan ng motrsiklo habang iniinspeksyon ang kanyang proyekto sa nasbaing bayan Biyernes ng umaga.

Base sa inisyal na ulat na natanggap mula sa Police Regiona Office (PRO) 12, dakong alas 7;55 ng umaga ng tambangan ng hindi pa kialalang mga kalalakihan ang biktimang si Sto. Nino, South Cotabato Mayor Pablo M. Mationg Jr., 55, sa kahabaan ng Purok Libertad, Barangay Poblacion ng nabatid na bayan, sugatan din ang isang bystander na nakilalang si Analyn Avance, 42, matapos tamaan ng ligaw na bala sa kanyang kaliwang balikat.

Nabatid na naglalakad sa lugar ang alkalde upang bisitahin ang infastracture project na kanyang pinapagawa sa lugar ng tambangan at pagbabarilin ito ng mga suspek na parehong nakasuot ng dark colored na sweat shirt at naka face mask sakay ng motorsiklo.

Dalawang tama ng bala sa ulo mula sa kalibre .45 baril ang tinamo ng biktima habang tinamaan naman ng ligaw na bala sa balikat si Avance na nasa hindi kalayuan ng lugar ng pinangyarihan ng pamamaril.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang pamamaril ay mabilis ang ginawang pagtakas ng mga salarin habang sinubukan pang isiugod ang alkalde sa Doctor Luntao Clinic subalit idineklara na rin itong dead on arrival dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa ulo habang patuloy namang ginagamot si Avance.

Ayon kay Police Captain Ian Bagot , hepe ng Sto. Nino Municipa Police Station (MPS) inaalam pa nila ang motibo ng pamamaslang kabilang ang pagkakasama ng pangalan ng alkalde sa narcolist ni Pangulong Duterte noong 2016.

Ilang ulit ng pinasinungalingan ni Mayor Mationg ang nasbaing ulat at sinabing sinisiraan lang umano siya ng kanyang mga kalaban.
Isa din sa sinisilip na motibo ng pulisya ang personal na away dahil sa trabaho ng biktima bilang mayor ng bayan.

Patuloy naman ang ginagawang hot persuit operation ng pulisya para sa posibleng pagdakip sa mga tumakas na mga suspek.(Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.