Una sa Balita

Inakalang ninakawan ng pakwan, pumatay

0 523

DAHIL sa maling hinala, arestado ang isang negosyante matapos barilin at mapatay ang isang 47-anyos na lalaking inakala niyang nagnakaw ng kanyang pakwan sa Barangay Minanga, Tumauini, Isabela noong Linggo.

Kinilala ng Tumauini Police Station (TPS) ang suspek na si Arnold Taccad, 32, may-asawa, ng nasabing barangay.

Samantala, ang biktima ay si Pedro Rosales, may-asawa, ng Balug, Tumauini ng nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay TPS commander P/Maj. Rolando Gatan, napadaan lamang sa sakahan na pagmamay-ari ng suspek ang biktima kasama ang apat na kaibigan na galing bukid para sa pangunguha ng gulay at paghuli ng ibon.

Ayon sa pulis, sinabi ng suspek na laging nawawala ang bunga ng mga tanim niyang pakwan kaya binantaan nito ang grupo na humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa puntong, ito, bumunot ng baril ang suspek at walang sabi sabing binaril ang biktima.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Nakakulong ngayon ang suspek sa TPS detention cell at kasong frustrated murder ang isinampa laban sa kanya. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More