Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inakalang gamot, Tiktoker nalunok ang earphone

0 43

Isang babae ang viral sa TikTok kung saan isiniwalat niya ang aksidenteng pagkalunok niya ng kanyang Apple AirPod sa pag-aakalang gamot ito.

Ayon sa New York Post report, nalunok nang buo ni Carli Bellmer, taga-Boston, ang kanyang AirPod pero nai-tae rin ito.

“So like, I ate my f–king left AirPod,” sambit ni Bellmer, 27, na may 5,042 followers sa TikTok (@iamcarliiib).

Hawak daw niya ang ibuprofen 800 sa isa niyang kamay habang sa kabila ang isa niyang AirPod.

Huli na nang mapagtanto niyang hindi ibuprofen ang nalunok niya at sinubukan niya itong isuka pero nabigo siya.

“I tried puking it and it won’t come out, and I’m f–king losing my mind.”

Sa follow-up post, sinabi ni Carli na sa isinagawang X-ray examination sa kanya, nakumpirma na nailabas na niya ang earphone sa katawan.

Mayroon nang mahigit 2.4 milyong views ang naturang video. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.