Una sa Balita

Inah de Belen rejected sa kampo ni Alden

By
0 2,544

Malabo pa ‘yung chikang kumalat sa social media na makakapareha umano ni Alden Richards si Inah de Belen sa planong fantaserye ng GMA, ang Mytho. Ayon ito sa manager ng Pambansang Bae na si Daryl nang magkita kami sa mediacon ng Kapuso series na Ang Forever Ko’y Ikaw.

Nabalita ring makakasama sa fantaserye si John Estrada, tatay ni Inah. Naispatan lang daw ang senior actor sa GMA kaya may balitang lalayas na siya sa kinabibilangang network ngayon.

Samantala, nakapag-taping na rin pala si Alden ng isang episode ng Eat Bulaga Lenten drama pero hindi si Maine Mendoza ang kasama niya. Si Meng kasi, sa Lunes pa ang taping niya kasama si Vic Sotto.

Anyway, ngayon ang birthday ni Maine. Abangers na lang tayo sa sopresa ng Phenomenal Star, huh!

***

Aicelle Santos pasok sa Miss Saigon UK

Iiwan muna ni Aicelle Santos ang boyfriend na si Mark Zambrano dahil makakasama ang singer sa Miss Saigon UK touring show ayon sa balita ng GMA News Online.

Papapelan ni Aicelle ang role na Gigi Van Tranh sa musical na gagawin sa UK at Switzerland. Ang role na Gigi ay ginampanan ni Rachel Ann Go nu’ng 2014. Ginawa rin ito ni Isay Alvarez na isa sa original West End cast nung 1989.

Sa March 22 aalis ng bansa si Aicelle papuntang Manchester para mag-training. Ang kontrata niya sa Cameron Macintosh Ltd. kaugnay ng UK touring show ay sampung buwan hanggang isang taon.

Bago umalis, mapapanood pa rin si Aicelle sa Himala; The Musical hanggang March 11.

***

Ai-Ai at Sinon palong-palo ang sumbatan

Magpapaiyak na naman si Ai-Ai delas Alas sa pagbibida niya sa episode ng Magpakailanman ngayong gabi, ang Nanay and I. Miss na miss na rin kasi ng mga fan niya ang galing niyang magpaiyak.

Masusubukan naman ang galing ng Catwalk King (Queen?) na si Sinon Loresca sa pagdadrama dahil siya ang lalabas na anak ni Ai-Ai.

Sa plug ng episode, deglamourized ang byuti ni Ai-Ai. Pero lutang na lutang pa rin ang palong-palo niyang kahusayan lalo na sa eksenang nagsusumbatan na sila ni Sinon, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy