Una sa Balita

Inah de Belen kinahiya ang alindog

By
0 597

Pinaka-challenging daw para kay Inah de Belen ang ginawa niya sa pelikulang “Maledicto” na ipapalabas sa May 1.

Ibang-iba raw kasi ang ginawa niya rito unlike sa mga past projects niya kung saan madalas may ka-love team siya.

“Hindi ko naman sinasabi na ayoko na, pero siyempre, I also want to do something different.

“So noong dumating ‘to, iniisip ko that I want to do something that will separate me from the shadow of Jake (Vargas) or shadow of my parents. Para naman may something that I can be proud of na ako lang,” sabi niya.

Very supportive naman daw si Jake sa kanya.

Obvious naman na happy nga si Inah sa boyfriend na binigyan siya ng rosary bilang pangontra raw kung sakali sa mga bad spirits dahil nga isang horror film ang ginawa niyang movie under Fox Original Productions, in coope­ration with Cignal Entertainment and Unitel, under the directon of Mark Meily.

Kagagaling lang nila ni Jake sa El Nido, Palawan at nagpasabog din siya ng kaseksihan dito dahil two-piece kung two-piece siya. In fairness, lumalaban naman din talaga ang kaseksihan niya.

“Pero dinilete ko rin agad pagka-post. Hahaha! Parang hindi ako ready dun, parang masyado pa siyang daring,” sey niya.

Wala naman daw nagbawal sa kanyang mag-post ng naka-bikini siya. Mismong siya raw ang naka-feel na parang hindi pa siya ready na magpakita ng katawan kahit sa sa­riling Instagram account.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More