Una sa Balita

INAGAW NA PABAHAY IPINAMIGAY NA SA KADAMAY

By
0 8

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo’t pulis na magparaya at huwag nang makipag-agawan sa inokupang pabahay ng mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay).

“Bago po ako maghinto meron lang po akong pakiusap. This ruckus in Bulacan eh parang inagaw ng mga kapwa nating Pilipino na mahirap rin. I will look into the matter seriously and I will ask you soldiers and the policemen, bitawan na lang ninyo ‘yan, ibigay na lang natin sa kanila tutal mahirap sila,” paghahayag ni Pangulong Duterte ng dumalo sa ika-120 taong anibersaryo ng Philippine Army (PA) sa Fort Bonifacio, Taguig kahapon ng hapon.

Nangako ang Pangulo na maghahanap ito ng ibang lugar na tatayuan ng pabahay ng mga sundalo’t pulis.

“But I promise you, I will look for another land nearby or adjacent or maybe contiguous to that area there and gagawa ako nang mas maganda. May tubig na at may electric na pagpasok ninyo. It would be… maraming dynamics diyan. Walang tubig, walang ano, and kulang and hindi maganda ang pagkagawa. Those were not during my times but I have asked the National Housing Authority to look for a suitable land at papalitan ko na lang ‘yan on equal numbers. Huwag na lang natin guluhin ‘yang mga tao diyan kasi lumalaban eh…and their only sin is just really mahirap rin sila kagaya natin,” anang Pangulo.

Ibinida pa ni PDu30 na bukod na mas mainam ang pabahay na ipatatayo nito para sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ng Pangulo na unawain at mas maiging huwag nang guluhin ang mga pobreng kababayan na nag-okupa ng pabahay.

“Ayaw ko kasing pilitin ang issue because it would somehow result in bugbugan, magpaluan and to think that our sin is just talagang mahirap lang tayo,” wika ng Pangulo.