Una sa Balita

Inabandonang mister nagbigti; misis, kalaguyo binantaan dadalawin

0 624

Binantaan pa ng isang lalaki ang kanyang misis bago tinotoo ang kanyang pagpapakamatay na dadalawin nito ang kanyang asawa at hinihinalang kalaguyo nito kahit na nasa kabilang buhay na, sa loob ng kanilang bahay sa Ermita, Maynila kamakalawa nang umaga.

Sinabi umano ng biktimang si Bien Navarro Carbos, 53-anyos, residente ng No. 1148 J. Bocobo St., Ermita, na “magpakamatay ako, dadalawin ko kayo, magkita-kita na lang tayo sa impiyerno,” ayon sa kuwento ng anak nitong lalaki.

Sa imbestigasyon ni P/Insp. Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), alas-8:30 nang umaga kahapon nang madiskubre ng mga anak ng biktima na sina Briggs, Bryan at Grace na nakabitin na ang ama sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na humingi agad ng saklolo ang magkakapatid at dinatnan pa ng mga tauhan ng Pedro Gil Police Community Precinct (PCP) ang biktima na nakabigti sa loob ng bahay nito.

Bukod sa markadong bigti sa leeg ay nakita din na may sugat sa pulso ang biktima na, indikasyog sinubukan pa nitong maglaslas sa pulso.

Nalaman na ang dugong lumabas sa pulso, ang mismong ginamit sa pagsusulat ng suicide note para sa kanyang asawa na isa umanong barangay tanod sa kanilang lugar na lumayas umano ng kanilang bahay.

“Umalis ka p..tang i.. Brigett, paiyot ka. Magkita tayo sa imperno, magnanakaw… hayop ka” nakasaad sa mensahe na isinulat plywood ng biktima, gamit ang kanyang sariling dugo.

Sinabi ni Briggs, kahit nagbabanta ay binalewala niya ang pagbabanta ng ama sa pag-aakalang hindi ito tototohanin.
Nagulat na lamang siya nang sabihin ng mga kapatid na nakabitin na sa loob ng kuwarto ang ama sa kanilang bahay. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy