Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inaayos na script: Marian babalik na sa teleserye

0 44

Naku, sigurado na nakaabang na ang mga fan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa pinakawalan niyang reply sa isang fan na nag-comment sa kanya sa Instagram niya.

Tinanong kasi si Marian kung kailan daw ba ito ulit magkakaroon ng bagong show sa telebabad. Sa sobrang pagka-miss daw kay Marian ay gabi-gabi pa rin itong nakaabang sa TV at nanonood.

At sabi rin ng fan, siguradong hindi lang daw siya ang gano’n, malamang daw, lahat silang mga fan nito.

Eh, pasabog ang sagot ni Marian sa fan. Sabihin ba naman na, “Awww maraming salamat… Soon inaayos lang script.”

Kaya hayun, sunod-sunod na ang mga comment na, “Excited na kami sa comeback mo.”

Matagal na rin kasi ang huling primetime series niya, ang Super Ma’am pa ng mga first quarter ng 2018.

At least ha, hindi totoong ayaw na nitong gumawa ng kahit anong serye dahil mas enjoy ang new normal set-up na nasa bahay lang, nakakapag-shoot ng endorsement, Tadhana at mas tutok pa siya sa kanyang business at siyempre, sa kanyang mga anak.

***

‘Bea Kapamilya pa rin’ — Dimples

Nakausap namin ang actress na si Dimples Romana sa telepono. At natutuwa nga nitong binalikan na magtu-twenty-five years na raw siya bilang isang Kapamilya.

Simula pa nga naman noong 12 year old siya at sa ABS-CBN na rin nangyari ang journey niya sa buhay. Si Dimples pa naman ‘yung mula sa pagiging dakilang support talaga at bestfriend ng mga bida hanggang ngayon, siya na ang bida.

At hindi matatawaran, na nitong pandemic, siya ang isa sa mga Kapamilya star na talagang bumubuhos ang blessing from mga show to endorsement.

Kaya sabi namin, siguro siya ‘yung ‘di namin nakikitang lilipat pa ng network talaga. At nang tanungin namin kung ano ang masasabi niya sa mga Kapamilya star na lumilipat, for once, ang isa sa very close sa kanya na si Bea Alonzo, mukhang sa lahat nang nabasa at naringgan naming nag-comment regarding network transfer, ang sagot ni Dimples ang isa sa pinaka-maganda.

Inihalintulad niya ang mga Kapamilya na lumilipat sa pag-alis ng panganay na anak na si Callie papuntang Australia next year para mag-aral ng kursong pagpi-piloto.

Sey niya, “Para sa akin, parang si Callie lang and she is my family and she will leave for Australia to pursue her dreams. I trust that her mom, I have already taught her everything she needs to know to own up to her journey. And just because she has left our home doesn’t make her any less of my family. Hindi titigil ang pagiging kapamilya namin ni Callie because I know that wherever she may go, she will carry our name and show everyone how we are as a family.

“And we will always be magkapamilya.”

Oo nga naman.

Leave A Reply

Your email address will not be published.