Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inaalam Pinoy damay sa Brooklyn, New York shooting

0 129

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa New York upang alamin kung may nadamay na Pinoy sa hanay ng 16 na sugatan sa insidente ng pamamaril sa isang subway station sa Brooklyn.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Consulate General Elmer Cato na hindi pa nila alam kung may nadamay na Pinoy sa pamamaril dahil hindi pa ibinibigay ng mga awtoridad dito ang nationality ng mga biktima.

Sa ulat ng Agence-France Presse, sugatan ang mga biktima nang magpaputok ng baril ang hindi pa nakikilalang suspek sa kasagsagan ng rush hour sa 36th St. Subway Station sa Brooklyn.

Natagpuan din sa lugar ang mga undetonated explosive device at hinahanap na umano ang isang lalaki na naka-gas mask at orange na construction vest na pinaniniwalaang responsable sa pamamaril.

Dahil dito ay pinayuhan ni Cato ang mga Pinoy sa New York na maging alerto dahil nakalalaya pa ang suspek na posibleng maglunsad na naman ng kaguluhan pag hindi agad naaresto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.