Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ina muntik atakehin sa puso: Andrea Brillantes umaming buntis

0 161

Na-high blood at muntik nang atakehin sa puso ang ina ni Andrea Brillantes nang sabihin niyang buntis siya.

Gusto ni Andrea na huwag siyang talakan ng ina dahil sa pagpapagupit ng buhok, kaya ginulat muna niya ito sa pagsasabing nagdadalantao siya.

Ibinahagi ito ni Andrea sa guesting nya sa vlog ni Vicki Belo. Ikinuwento ni Andrea kay Belo na na-damage nang husto ang buhok niya nang mag-bleach siya ng anim na beses.

Itinago ni Andrea ang gupit na niyang buhok sa ina para hindi siya mapagalitan. Nang hindi na raw niya kayang magtago, nagdesisyon siyang sabihin sa ina, pero ang tungkol nga sa pagbubuntis ang unang sinabi niya.

Na-high blood nga ang ina ni Andrea, pero nakalma rin naman ito nang sabihin ng aktres na ‘prank’ lang `yon, kasunod ang pagbabalitang nagpaputol siya ng hair.

Anyway, maraming rebelasyon si Andrea kay Vicki, tulad nga noong

iniyakan niya ang debut niya dahil sa nalusaw ang pangarap niyang makapag-celebrate ng malaki.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi rin nitong ‘kabayo’ ang hiningi niyang regalo sa love team na si Seth Fedelin para sa kanyang birthday. Nag-aligaga naman daw ang young actor at naghanap ng ibinebentang kabayo sa Facebook.

Maymay matindi ang problema

May matinding pinagdaraanan si Maymay Entrata, at inilantad niya `yon sa kaarawan niya.

Sa Instagram post ni Maymay ay makikita ang mga cake, flower, lobo, at pagkain. At ibinahagi nga niya ang matinding pinagdadaanan sa buhay.

“Dumaan man ang isa sa mga pinakamahirap na pagsubok sa buhay ko at kahit hanggang ngayon ay nasa kalagitnaan pa rin ako ng hamon sa buhay hindi lang sa pandemya kundi sa sarili ko, ang dami pa ring dapat pasalamatan at isa na rito ay ang unconditional love ng mga mahal ko sa buhay na siyang tanggap ang buong pagkatao ko na kung saan habang buhay ko itong dadalhing inspirasyon.

“Hindi ko hahayaang masira pa ang napakagandang binigay na tyansa ng Panginoon na tatagan ko pa ang sarili ko and to live right,” sabi ni Maymay.

Anyway, wagi naman ang career ni Maymay pagdating sa fashion magazine. Inilabas na nga sa Middle East ang Xpedition magazine na cover model siya.

Kahilera na ni Maymay si Liza Soberano na model o naging cover rin ng international fashion magazine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.