Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ina, Erika patalbugan ng wetpaks sa IG

0 225

Ayaw patalbog ni Ina Raymundo sa kaseksihan ng panganay niyang si Erika Rei, dahil sa mga bagong post niya na naka- swimsuit siya.

Kung kinababaliwan ng mga netizen ang laging pagbalandra ni Erika ng kanyang puwet at katawan, suot ang high cut two-piece bikini, ganun din ang naramdaman ng mga fan sa pagbuyangyang ng puwet ni Ina.

Halos mapuno ng puwet ang buong frame ng Instagram ni Ina. Kinain ng bahagya ng crack ng wetpaks ni Ina ang tela ng bathing suit nito kaya lumantad ang isang bahagi ng butt niya.

Gustung-gusto naman ito ni Ina, na nagsama pa ng parehong larawan at iba pa na nagpapakita ng kanyang body beautiful.

Dahil mahilig mangalandakan ng kani-kanilang mga puwet sina Ina at Erika, puwede na silang bansagang “Wetpaks Queen & Princess’.

Hindi puwedeng pagkumparahin ang alindog ng mag-ina dahil magkaiba sila ng angas. Si Ina may “asim” pa ang sex appeal, samantalang “masabaw” naman ang alindog ni Erika.

Na para nga silang sinigang, ha!

Ai-Ai naiyak sa grad photo ni Sophia

Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas ang dating asawa na si Miguel Vera at ang misis nitong si Priscilla, sa tagumpay ng kanilang anak na si Sophia na magtatapos na sa kolehiyo, sa kursong Bachelor of Science Major in Early Childhood Education.

Si Miguel Vera ay dating singer-film-stage actor na naging asawa ni Ai-Ai at ama nina Sophia at si Nicolo. Matagal na itong naninirahan sa Amerika kasama ang mga anak at asawang si Priscilla.

Ipinagmalaki ni Ai-Ai ang graduation photo ni Sophia sa kanyang Instagram. Umiyak si Ai-Ai sa labis na kasiyahan sa academic achievement ng anak dahil dugo at pawis ang pinuhunan niya para makapagtapos ang anak na dalaga.

Sa caption, binigyang kredito ni Ai-Ai si Miguel at Priscilla. Kuwento niya, pansamantalang tumira sina Sophia at Nicolo sa poder nina Miguel at Priscilla noon.

Bumalik lang sa Pilipinas si Sophia, at naiwan sa Amerika si Nicolo.

Dennis ‘panis’ sa husay ni Ken

Napipintong walisin ni Ken Chan ang lahat ng mga kilalang mahuhusay na aktor sa GMA-7, sa lalabas niyang bagong serye, “Ang Dalawang Ikaw” na magtatampok din kay Rita Daniela.

May posibilidad na mapanis ang husay ni Dennis Trillo at iba sa serye na ito ni Ken. Sa trailer pa lang ipinapakita na ang husay ni Ken na gaganap bilang may personality disorder o mental illness.

Kung napahanga ni Ken ang netizen sa “Special Tatay” siguradong hahangaan din siya sa bago niyang project.

Bagung-bago ang putaheng malalasap ng mga televiewer kay Ken.

Bukod sa kakaibang husay ng pagganap nito, ipamamalas din ng binata ang kakayahan sa action. Nakikipagbakbakan at nakipagbarilan si Ken sa serye.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.