Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

In-unfollow ang isa’t isa: Vice, Billy tuluyan nang nawasak ang friendship

0 716

Tuluyan na ngang tinuldukan nina Vice Ganda, Billy Crawford ang ‘BFF’ status nila. Gone are the days na tagapagtanggol nila ang isa’t isa.

Isa nga si Vice sa madalas bumanat noon kapag may bumibira kay Billy, lalo na noong mga panahong nasangkot ito sa kaguluhan. At hindi rin naman nagpahuli si Billy sa pagdepensa kay Vice, lalo na sa mga maangas na basher niya noon.

Well, kitang-kita nga sa kanilang mga social media account, partikular ang Instagram, na tuluyan na nilang binitawan ang pagsuporta sa isa’t isa.

Si Vice, in-unfollow na ang IG ni Billy. At ganun din naman si Billy, na in-unfollow naman si Vice.

Pero, buti na lang at hindi na nila dinamay ang mga mahal nila sa buhay. Dahil si Coleen Garcia, na misis ni Billy ay pina-follow pa rin ni Vice, at naka-follow pa rin ito sa kanya.

Si Ion Perez naman, noon pa man ay hindi naman sobrang aktibo sa social media, at hindi naman talaga siya naka-follow kay Billy noon pa.

Pero, kataka-taka lang na tila mas marami ang sumisisi kay Vice sa naging ending ng friendship nila ni Billy. Sabi nila, masyado raw kasing matabil magsalita si Vice, na kahit ang BFF niya ay hindi na niya pinalampas pa.

May mga payo rin naman ang iba, n asana ay hindi ila dinamay ang friendship nila sa kumpetisyon ng mga show nila, o hindi sila nagpadala sa emosyon nila, o sa sulsol ng ibang tao sa paligid nila.

Na sana ay mas binigyan nila ng bigat ang pinagsamahan nila, kesa sa mga nangyayari sa buhay nila ngayon.

May mga nagsasabi naman na sa mismong group chat nila noon ay nagkapikunan na ang dalawa.

Well, sina Billy at Vice lang ang tunay  na nakakaalam sa nangyari sa friendship nilang dalawa. Wala namang puwedeng mag-ayos ng pagkakaibigan nila kundi silang dalawa rin mismo.

Pero, mas maganda sana kung palipasin nga muna ang panahon, na malay mo, balang araw, bigla silang magkasalubong, magkatinginan, magkaiyakan, magkaayos.

Sabi nga, ang tunay na magkaibigan, dumaan man ang maraming gulo sa buhay nila, lalabas at lalabas pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

‘Yun ay kung tunay nga silang magkaibigan! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.