Una sa Balita

Imported karne bumuhos sa merkado – Piñol

By
0 498

KINONTRA ng Department of Agriculture (DA) ang napaulat na over importation ng mga meat product.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, walang over importation kundi may naitala lamang na marked increase sa import ng meat products pero ­hindi umano ibig sabihin nito na hindi na tinatangkilik ng gobyerno ang karneng nanggagaling sa local hog industry.

Kasunod nito, nanawagan ang kalihim sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na huwag gamitin ang isyu para sa politikal nitong interes dahil bukas naman ang tanggapan ng DA sa mga ­diskus­yon.

Pinayuhan din ni Piñol ang grupo na magbigay ng mga rekomendasyon para masolusyunan ang problema at huwag lang basta magbato ng sisi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy