Una sa Balita

Imported basura ibabalik sa HK

0 353

HINDI patatagalin ng gobyerno ng mga basu­rang itinapon ng Hong Kong sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ibabalik ng Bureau of Customs (BOC) sa Hong Kong ang mga basurang dinala sa bansa.

Ayon kay Panelo, hindi papayagan ng gobyerno na maging tambakan ng basura ng mga dayuhang bansa ang Pilipinas kaya ibibiyahe agad ang mga basurang dinala sa Misamis Oriental.

Ang mga basura ay unang dineklarang assorted electronic accessories subalit mabilis na nabuko ito ng BOC.

“We commend the Bureau of Customs for the early detection of the entry of mixed plastic wastes which have been declared “assorted electronic accessories” from Hong Kong. We understand that the BOC would export this illegal shipmeny back to its port of origin,” ani Panelo.

Nanawagan ang kalihim sa mga ahensiya ng pamahalaan na maging alerto at huwag payagang makapasok sa bansa basura ng ibang mga bansa.

Sinabi ni Panelo na matatag ang paninindigan ng Republika ng Pilipinas na hindi hahayaang maging tambakan ng basura ng ibang bansa ang bansa.

“The Palace reite­rates the firm position of the Republic of the Philippines that it will not allow its territory to be treated as dumpin­g ground for trash by any foreign country or entity,” dagdag pa ni Panelo.

Bukod sa Hong Kong, kabilang sa mga bansang nagtapon ng kanilang basura sa Pilipinas ay ang Canada at Australia. (Aileen taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy