Una sa Balita

Implementasyon ng batas sa money laundering ipinabubusisi

By
0 2,083

ISINUSULONG ni Senador Leila de Lima ang pagbusisi sa pagsunod ng Ombudsman at Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa 2001 Anti-Money Laundering Law.

Sa kanyang Senate Resolution No. 666, iginiit ni De Lima na dapat malaman ang proseso ng dalawang ahensiya sa pagpapatupad ng batas kasunod ng termination ng Ombudsman sa kanilang pagsisiyasat sa sinasabing hindi maipaliwanag na yaman ni Pa­ngulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

“Duterte should never be exempted from investigation and accountabi­lity. Thus, the Senate leadership should ensure that the Ombudsman and the AMLC complied with the Anti-Money Laundering Act and the Ombudsman Act,” giit ni De Lima.

Alinsunod anya sa Section 15 (11) ng Republic Act No. 6770 o Ombudsman Act of 1989, mandato ng Ombudsman na imbestigahan at pa­ngunahan ang recover­y ng ill-gotten o unexplained wealth.

Gayundin, nakasaad sa Anti-Money Laundering Act of 2001, na mandato ng AMLC ang paghahain ng kaso laban sa mga sangkot sa money laundering offenses.

“In short, it is expec­ted that the ALMC and the Office of the Ombudsman would work hand in hand to seriously uncover the truth about the alleged ill-gotten wealth of any public officials, much less if it is the President of the Republic,” giit ng senador.