Una sa Balita

Implementasyon ng 20% student fare discount tutukan — Poe

0 251

Pinababantayan ni Senadora Grace Poe sa kaukulang ahensiya ng gobyerno ang tamang pagpapatupad ng bagong batas na nagbibigay ng 20 porsi-yentong diskuwento sa pamasahe sa mga estudyante.

“We call on the concerned government agencies to properly implement the law and guarantee students their full benefits, while keenly seeing to it that commitments to the transport sector,” sabi ni Poe, chair ng Senate committee on public services.

Sa ilalim ng batas, may 20 porsiyentong diskuwento ang mga estudyante sa lahat ng uri ng transportas-yon. Karapatan nilang makuha ang discount sa panahon na sila ay naka-enroll.

Ang mandatory fare discount ay malaking kabawasan sa pamil-yang Pilipino sa gitna ng malaki nilang gastos sa matrikula at iba pang gastusin sa pagpapaaral sa kanilang mga anak.

“Sa gitna ng kabi-kabilang bayarin ng pamilya, matrikula at iba pang gastusin sa eskuwelahan, kaluwagan kahit paano ang magi-ging dala nitong diskuwento sa pamasahe para sa ating mga estud-yante,” ani Poe.

“Sana ay makatulong din ito upang araw-araw silang makarating sa eskuwelahan nang may higit na determinasyong mag-aral,” dagdag pa nito. (Dindo M­ati­ning)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy