Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Imperial, Carreron pinisak mga karibal

0 91

NAGTALA ng magkahiwalay na panalo sina Candidate Master Genghis Imperial at Arena FIDE Master Melizah Ruth Carreon sa Grandmaster Rosendo Carreon Balinas Jr. Chess Challenge nitong Biyernes na nilaro sa Lichess platform.

Nakaungos si Imperial, isa sa top players ng Manila Indios Bravos sa PCAP, kay Israel Landicho, 9-5, habang si Carreon ay pinasuko si Noel Jay Estacio, 9-3.

Ipinatupad sa nasabing event ang race-to-9 kung saan ay hindi kasama sa puntos ang draw games, natunghayan sa live streaming ng Bayanihan Chess Club official page ang mga laban.

Dahil sa panalo nina Imperial at Carreon ay humanga ang mga organizers ng tournament.

Samantala, inaabangan ng ibang mga woodpushers ang susunod na tournament upang mailabas ang kanilang talento sa nasabing isport. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.