Impeachment vs VP Leni

By , ,

Inunahan na nina Atty. Oliver Lozano at isang Melchor Chavez si House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez sa plano ng huli na sampahan ng impeachment complaint si Vice President Leni Robredo.

Kahapon ay dinala ng staff ni Lozano na si Sonny Junio Esteban ang 6-pahinang impeachment complaint sa tanggapan ni Alvarez para ipaendorso bago ihain sa Office of the Secretary General ng Kamara.

“We respectfully request that you endorse that attached Complaint for impeachment against Leni Robredo. She is the termite of the Government. Her unfaithfulness has extended to the betrayal of public trust and culpable violation of the Constitution,” ayon sa sulat nina Lozano at Chavez na may letter head na “Volunteers for Good Government” kay Alvarez.

Kahapon ay nagbanta rin ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ang grupong nagdemanda rin kay Sen. Leila de Lima sa kinakaharap nitong drug cases, na posible ngang masampahan ng impeachment case si Robredo dahil sa ginawang pamamahiya sa gobyerno ng Pilipinas sa kanyang video message sa UN.

“Political treason” naman ang binabanggit ng grupo na gagawing basehan kung sakali.

Tinawag naman ni Sen. Leila de Lima na “nonsense” ang paratang ng mga alipores ni Pa­ngulong Duterte na pang­hihiya sa bansa ang video message ni Vice President Robredo sa United Nations Commission on Narcotics Drugs.

Sa kanyang handwritten statement, sinabi ni De Lima na, “Why can’t these psychopaths, both inside and outside the President’s circle, accept the ugly truth that the Duterte regime has been inflicting ignominy upon itself before the international community for the unabated summary executions and other anti-human rights policies. The whole world knows exactly what’s going on here.”


SHARE