Una sa Balita

Impeachment case vs Bautista, ibinasura

By ,
0 2

Tulad ng inaasahan, ibinasura ng House committee on justice ang impeachment case na isinampa nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Rep. Jacinton ‘Jing’ Paras laban kay Commission on Election (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Dalawang miyembro lang ng komite ang pumabor sa mosyon ni deputy speaker at Cebu Rep. Gwendalyn Garcia na ideklarang sufficient in form ang impeachment complaint, habang 26 miyembro naman ang kumontra.

“There being two (2) members voting in favor and 26 (members) against, the motion is defeated,” deklara ni committee chairman Reynaldo Umali.

Nakita ang depekto sa impeachment complaint nina Topacio at Paras dahil ang verification form na ginamit ay para sa endorsement ng 1/3 ng mga miyembro ng Kamara gayung 3 lamang ang nag-endorso dito.

Ikinalugod naman ni Bautista ang pagkakabasura ng impeachment complaint laban sa kanya kung saan isang malaking hakbang umano ito para malinis ang kanyang pangalan.

“This proves to be a significant step in clearing my name after the malicious accusations hurled against me. As I always maintained, the allegations are fabricated and baseless,” giit ni Bautista. (Bernard taguinod/Maricel Diaz)