Una sa Balita

IMPEACH DUTERTE AT ROBREDO, AWAT NA!

By
0 83

Para sa kapakanan ng bansa ang iniisip ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Vice President Leni Robredo nang manawagan ang Pangulo na itigil na ang pagpapa-impeach sa kanya sa Kamara.

Sinabi ni Robredo na na hindi pa niya napapanood ang panawagan ni Duterte.

“Pero kung sinabi niya iyon, tingin ko, para naman iyon sa bansa natin. Kasi iyong impeachment, whether against the President, o against sa akin, ay hihintuin nito iyong mga dapat pag-ukulan ng pansin ng Kongreso,” ani Robredo.

Marami rin aniyang trabaho na kailangang pagtuunan ng pansin kaya hindi aniya dapat magkawatak-watak ang mga ito.

“Magiging very divisive para sa bansa natin. Tingin ko hindi siya makakabuti in the long run,” ani Robredo ukol sa pagpapa-impeach, hindi lamang sa kanya kundi maging kay Duterte.

Sinabi ni Robredo na iba ang pagtanggap ng ilan sa kanyang mga batikos sa gobyerno sa extrajudicial killings sa gitna ng giyera kontra sa ilegal na droga at mali ang akala ng mga kritiko na gusto niyang matanggal sa puwesto ang Pangulo.

Wala pa rin aniyang nababago sa pagnanais nitong makatrabaho muli ang Duterte administration para sa ikabubuti ng bansa.

“Ako naman, parati naman akong para sa working together. Ang pagwo-work together hindi gustong sabihin na mag-a-agree tayo sa lahat na bagay. Kasi may mga bagay talagang iba ang pinanggalingan namin, iba ang aming paniniwala, magdi-disagree kami, “ giit ng Pangalawang Panglo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy